Metro
Level ng tubig sa Angat Dam, lumampas na sa 190 meters!
Umakyat na sa 191.1 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan matapos itong madagdagan ng 63 centimeters, ayon sa ulat ng PAGASA. Magandang balita ito para sa mga residente dahil ang nasabing dam ang pangunahing pinagmumulan ng higit 90 porsiyento ng inuming tubig sa Metro Manila, bukod pa sa pagbibigay nito ng irigasyon sa mga sakahan sa Central Luzon at kuryente sa Luzon grid.
Samantala, nagbukas naman ng spillway gates ang Binga Dam upang magbawas ng tubig habang nagpakawala rin ang Ambuklao Dam. Sa kabilang banda, nakapagtala naman ng bahagyang pagbaba sa antas ng kanilang tubig ang La Mesa, San Roque, at Magat Dams.
