Connect with us

News

Jonvic Remulla, Inaming Nagkamali Sa Status Ng Asylum Ni Harry Roque

Published

on

Inamin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nagkamali siya sa naunang pahayag na tinanggihan umano ang asylum application ng dating presidential spokesperson na si Harry Roque. Clarification ng kalihim, nasa estado pa ng limbo o nakatambitin ang kahilingan ni Roque.

Bagama’t karaniwang umaabot lang nang anim na buwan ang proseso para sa asylum, siyam na buwan na ang nakalipas mula nang mag-apply si Roque sa Austria at wala pa ring malinaw na desisyon. Ipinaliwanag ni Remulla na hindi pa ito opisyal na tinatanggap o tinatanggihan, kaya sa mata ng batas ay wala pa ring hawak na asylum ang dating opisyal. Pinag-aaralan na rin ng gobyerno kung may legal na hadlang para maibalik si Roque sa bansa gamit ang Interpol red notice.

Nag-ugat ang kontrobersya sa kasong qualified human trafficking na kinakaharap ni Roque kaugnay ng na-raid na Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga, kung saan may umiiral na warrant of arrest laban sa kanya mula pa noong Mayo 2025.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph