Connect with us

Sports

Carlo Paalam, pasok sa Asian Games semifinals matapos talunin ang kalabang Tsino

Published

on

Sigurado na ang medalya ng Olympic silver medalist na si Carlo Paalam sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games matapos niyang talunin si Jiamao Zhang ng China sa pamamagitan ng split decision sa quarterfinals ng men’s 55kg boxing division.

Ipinamalas ng 28-anyos na Pinoy boxer ang kanyang magandang diskarte at kontrol sa emosyon mula sa unang round kung saan agad siyang naging agresibo. Sa kabila ng pagbawi ng Tsinong katunggali sa ikalawang round at matinding physical encounter sa huling round, matagumpay na naiset ni Paalam ang kanyang mga kombinasyon at jabs upang makuha ang boto ng mga hurado. Sunod na makakaharap ni Paalam sa semifinals ang 2025 world champion na si Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph