Entertainment
Bea Binene at Wilbert Ross, Ramdam ang Pressure sa PH Adaptation ng Pee Mak
Inamin nina Bea Binene at Wilbert Ross na ramdam nila ang malaking hamon sa kanilang pagbibida sa Philippine adaptation ng hit Thai horror-comedy movie na Pee Mak. Dahil naging napakalaking tagumpay ng orihinal na pelikula sa buong mundo, ginagawa ng dalawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyan ng sariling Pinoy flavor ang kwento at matugunan ang ekspektasyon ng mga manonood.
Bukod sa presyur sa tambalan sa pelikula, linaw ng dalawa na wala silang nararamdamang pilitan pagdating sa totoong buhay. Ipinaliwanag ni Bea na nasa matured na yugto na sila ng kanilang karera kaya nakatutok sila sa propesyonal na pagtatrabaho at pagbibigay ng magandang proyekto sa mga tagahanga imbes na magpaapekto sa mga love team expectations.
