Metro
Ban sa Online Platform Na Discord, Inalis na ng CICC
Inalis na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagbabawal sa online messaging platform na Discord matapos ang matagumpay na pakikipag-usap ng pamahalaan sa pamunuan nito.
Ayon kay Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda, muling binuksan ang access sa app matapos mangako ang Discord na agad silang magpapatupad ng mas mahigpit na mga hakbang para sa seguridad ng mga gumagamit, lalo na ang proteksyon ng mga kabataan laban sa online threats at violent extremism. Nag-ugat ang maikling ban matapos bigyan ng pamahalaan ng ultimatum ang mga messaging platforms upang magtatag ng opisyal na koordinasyon sa bansa para sa mabilis na pagtugon sa mga cybercrime. Pinuri naman ng mga digital rights groups ang naging hakbang na ito dahil sa mas mabilis na pag-aksyon sa mga banta sa internet safety.
