Sports
Alex Eala wagi kontra kay Diane Parry at umabante sa Ningbo Open
Matapos ang sunod-sunod na kabiguan nitong mga nakaraang linggo, nagbabalik sa matagumpay na porma ang Pilipinong tennis star na si Alex Eala nang pataubin niya ang Pranses na si Diane Parry sa pamamagitan ng straight-set sweep na 6-3, 6-1 sa unang round ng Ningbo Open sa China.
Kahit naging dikdikan ang simula ng unang set kung saan nagpalitan ng puntos ang dalawa, tuluyang kinuha ni Eala ang kontrol at dinomina ang laro sa loob lamang ng isang oras at pitong minuto. Dahil sa magandang panalong ito laban sa World No. 34, opisyal nang umabante sa round of 16 si Eala kung saan makakaharap niya ang mananalo sa pagitan nina Yulia Putintseva at Diana Shnaider.
