Sports
Alex Eala, Magsisimula sa Ikalawang Pinakamalaking Stadium sa US Open Dahil sa Demand sa Ticket!
Umapaw ang pananabik sa New York para sa paglalaro ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa US Open, dahilan upang ilagay ang kanyang unang laban sa Louis Armstrong Stadium na may kapasidad na 14,000 na upuan. Dahil sa matinding interes ng mga tagahanga at Pinoy supporters, dumoble ang presyo ng mga tiket mula 200 dollars hanggang 400 dollars matapos ianunsyo ang kanyang iskedyul.
Inamin mismo ni US Open tournament director Eric Butorac na kailangang ilagay si Eala sa isang malaking stadium dahil sa inaasahang dagsa ng mga manonood. Haharapin ng 21-anyos na tennis star at kasalukuyang World No. 17 ang Amerikanang si Mary Stoiana sa Round 1 ng torneo. Bukod sa pagdami ng nanonood sa venue, patuloy rin ang pag-ingay ng pangalan ni Eala sa mga sikat na internasyonal na pahayagan at media outlets sa Amerika.
