Metro
NCAP, muling ipapatupad sa 6 na lungsod sa Metro Manila simula Oktubre 5
Muling babalik ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa anim na lungsod sa Metro Manila simula ngayong Lunes, Oktubre 5. Kabilang sa mga lungsod na magpapatupad muli ng naturang sistema ang Manila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Muntinlupa, at San Juan kasunod ng pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon laban dito.
Sa ilalim ng NCAP, gagamit ang mga pamahalaang lokal ng mga high-definition CCTV camera upang huliin at irekord ang mga lalabag sa batas-trapiko nang hindi na kailangang parahin pa ng mga enforcer sa kalsada. Gagamitin din ang mga probisyon ng Metro Manila Traffic Code of 2023 upang magkaroon ng pare-parehong multa at proseso, habang maaari namang suriin at bayaran ng mga drayber ang kanilang mga huli sa pamamagitan ng mga opisyal na online portal ng bawat lungsod.
