News
Trump, Iniipit ang Usapan at Diyalogong pang Ekonomiya ng Iran at Oman!
Lalong tumitindi ang girian sa pagitan ng Estados Unidos at Iran matapos ihayag ng administrasyon ni US President Donald Trump ang isang malawakang pang-ekonomiyang offensive o “Economic D-Day” laban sa Tehran. Layunin ng hakbang na ito na higpitan ang mga patakaran laban sa mga bansang nakikipagpalitan ng kalakalan sa Iran upang pilitin itong makipagnegosasyon, habang nananatiling sarado at delikado ang daanan ng langis sa Strait of Hormuz.
Kasabay ng umiinit na tensyon, humaharap si Trump sa panibagong pambabatikos matapos mailabas ang ulat ukol sa kanyang mahigit 1,000 panibagong stock transactions noong Hunyo. Kabilang sa mga binili at ibinentang shares ay mula sa mga malalaking kumpanya ng enerhiya at defense contractors na direktang naapektuhan ng sigalot sa Iran, bagama’t iginit ng White House na hiwalay at may humahawak na third-party sa kanyang mga pamumuhunan.
Habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at bilihin sa pandaigdigang merkado, inihayag ni Trump na wala na siyang intensyong makipag-usap sa pamahalaan ng Iran at nakatutok na lamang ang Amerika sa pagpapataw ng matitinding parusa upang tuluyang papanghinain ang ekonomiya ng bansa.
