Mananatili sa San Antonio Spurs ang pambato nitong si Victor Wembanyama matapang nitong lagdaan ang isang dambuhalang contract extension. Kinumpirma ng koponan ang magandang balita sa pamamagitan ng paglalathala ng isang video sa kanilang mga opisyal na social media accounts na nagpapakita sa mismong pirmahan ng bagong kasunduan.
Ayon sa mga ulat, ang pinirmahang deal ng tinaguriang “Wemby” ay isang limang taong rookie maximum extension na may kabuuang halaga na 252 milyong dolyar. Kasama rin sa napagkasunduan ang isang player option para sa ikalimang taon na nagbibigay sa kanya ng karapatang magpasya sa kanyang estado sa huling bahagi ng kontrata. Bago ang opisyal na anunsyo, nag-iwan ng matapang na pahayag si Wembanyama para sa mga tagahanga kung saan sinabi niyang narito siya upang manatili sa koponan at handang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya para sa tagumpay ng Spurs.
