Site icon PULSE PH

UST Growling Tigers, Pinatumba ang Defending Champion La Salle!

Naiukit ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers ang kanilang unang tagumpay sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament matapos patumbahin ang defending champion La Salle Green Archers sa iskor na 80-75 sa Mall of Asia Arena.

Nanguna para sa Espanya-based squad si Amiel Acido na nagtala ng 19 points, pitong rebounds, at pitong assists, kabilang ang mga krusyal na free throw sa huling bahagi ng laro upang pigilan ang huling hirit ng Green Archers. Nag-ambag din si Collins Akowe ng double-double performance na may 18 points at 10 rebounds. Dahil sa resultang ito, pareho nang may 1-1 win-loss record ang UST at La Salle sa talahanayan.

Exit mobile version