Site icon PULSE PH

Selena Gomez at Benny Blanco, Engaged Na!

Ipinakita ni Selena Gomez ang diamond ring na nagpapatunay ng kanyang engagement kay songwriter-producer Benny Blanco matapos ang mahigit isang taon ng relasyon. Sa Instagram post, caption niya: “Forever begins now,” habang may close-up shots ng singsing at sweet na yakapan nila ni Blanco. Sagot naman ni Blanco: “Hey wait… that’s my wife.”

Maraming celebrities ang bumati tulad nina Gwyneth Paltrow, Cardi B, at Nina Dobrev. Ang dalawa ay unang nag-collab noong 2019 para sa “I Can’t Get Enough,” pero opisyal na nagkumpirma ng relasyon noong Disyembre 2023.

Bida rin si Gomez kamakailan bilang joint-winner ng Best Actress sa Cannes para sa “Emilia Perez” at nominado pa sa Golden Globes. Samantala, si Blanco ay kontrobersyal sa Pilipinas matapos batikusin ang ilang pagkain ng Jollibee bago agad bumawi sa follow-up video.

Exit mobile version