Ipinahayag ng mga opisyal ng Pilipinas sa Tsina ang buong suporta sa desisyon ng Department of Tourism na italaga ang SB19 at BINI bilang mga bagong tourism ambassador ng bansa. Tinawag ito ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na isang napkatalinong hakbang, lalo na sa pag-akit sa kabataan sa ibang bansa.
Ayon sa mga diplomat, malaki ang potensyal ng dalawang sikat na P-pop group na makahikayat ng mga dayuhang turista, partikular mula sa Tsina kung saan kilalang-kilala na ang kanilang mga kanta at sayaw. Matatandaang naging viral sa Chinese app na Douyin ang kantang Gento ng SB19, samantalang naging tanyag naman ang BINI matapos magtanghal ng kantang Pantropiko sa isang sikat na palabas doon.
Bukod sa pagpapalaganap ng musika, ipinapakita rin ng dalawang grupo ang angking talento, hospitality, at makulay na kultura ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.
