Pinagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling na isang araw na medical furlough para kay detained Senator Rodante Marcoleta upang makapagpagamot. Nakatakdang isagawa ang kaniyang checkup sa Setyembre 7 sa The Medical City sa Pasig matapos masuri na mayroon siyang prostate enlargement, altapresyon, at mataas na kolesterol. Iginiit ng kaniyang kampo na kulang sa angkop na pasilidad ang New Quezon City Jail sa Payatas kung saan siya kasalukuyang nakakulong.
Samantala, naglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P90,000 ang senadora para sa mga kaso ng paglabag sa Presidential Decree 46. Sa kabila nito, mananatili pa rin siyang nakakulong dahil sa kaniyang hiwalay na kasong plunder na hindi pwedeng piyansahan. Ang naturang kaso ay may kaugnayan sa P75 milyong hindi umano naideklarang donasyon noong siya ay tumakbo sa eleksyon noong 2025.
