Site icon PULSE PH

Rex Orange County, naghatid ng matinding emosyon sa kanyang Manila concert

Muling pinaligaya ng British singer-songwriter na si Rex Orange County, o Alexander James O’Connor sa totoong buhay, ang kanyang mga Tagahangang Pilipino sa kanyang matagumpay na concert sa SM Mall of Asia Arena. Pinuno ng saya at emosyon ang buong venue habang inawit niya ang kanyang mga sikat na hit songs tulad ng Television, Best Friend, Happiness, Pluto Projector, at Sunflower.

Tampok din sa nasabing pagtatanghal ang kauna-unahang live performance ng kanyang pinakabagong single na Indecision, pati na rin ang pagpaparinig ng ilang hindi pa nailalabas na kanta bilang patikim sa kanyang mga susunod na proyekto. Nagpakita rin ng suporta ang foreign artist sa larangan ng Original Pilipino Music o OPM matapos niyang kunin ang mga sikat na lokal na musikero na sina Maki at ang bandang Over October bilang kanyang opening acts. Sa kabuuan, naging isang gabi ng kantahan, sayawan, at di-malilimutang alaala ang nasabing concert para sa lahat ng dumalo.

Exit mobile version