Umapaw muli ang pangamba sa pandaigdigang merkado ng langis matapos tumaas ang presyo nito sa mahigit $90 kada bariles, ang pinakamataas na antas mula noong Hulyo. Nagmula ang pagtaas na ito matapos magwakas ang 60-araw na kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran nang walang naabot na pinal na peace deal, kasabay ng patuloy na limitasyon at mga pag-atake sa mga barko sa Strait of Hormuz na pangunahing daanan ng langis sa mundo.
Lalo pang tumindi ang giya sa rehiyon matapos magbanta ang pamahalaan ng US na babagsakan ng bomba ang Oman kung makikialam ito sa mga negosasyon sa Iran hinggil sa kontrol sa nasabing daanang-tubig. Dahil sa kawalan ng malinaw na solusyon sa hidwaan at sa pagbaba ng emergency oil reserves ng Amerika sa pinakamababang antas nito sa loob ng higit 40 taon, patuloy ang pagtaas ng halaga ng gasolina at iba pang produktong petrolyo sa buong mundo.
