Muling nagpakita at nagtalumpati sa publiko si Pope Leo XIV sa St. Peter’s Square sa Vatican kasunod ng kanyang matagumpay na operasyon upang tanggalin ang cancerous tumor sa kanyang kanang baga. Ito ang kanyang unang malaking pampublikong paglitaw matapos ma-discharge mula sa ospital noong Sabado.
Sa harap ng libu-libong mananampalataya, masayang nagpasalamat ang Santo Papa sa lahat ng nagdasal para sa kanyang kalusugan. Ayon sa kanyang mga doktor, maayos na ang kanyang kundisyon at unti-unti na niyang babalikn ang kanyang mga gawain, habang pinag-aaralan pa rin ang mga susunod nitong biyahe sa labas ng bansa.
Pope Leo XIV, nagpakita na sa publiko matapos ang surgery
