Site icon PULSE PH

Piso VS US Dollar, Lumagpas na sa P64; Pagtaas ang Presyo ng Diesel, Asahan na!

Sumadsad ang halaga ng pisong Pilipino sa isang bagong historical low matapos nitong lumampas sa P64 mark kontra sa US dollar. Ito ay kasunod ng sunod-sunod na linggo ng pagbaba ng halaga ng lokal na currency sa foreign exchange market. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at nakahandang umaksyon kung kinakailangan, lalo na kung magsisimula na itong magdulot ng inflationary pressures sa mga bilihin at serbisyo sa bansa.
​Kasabay nito, napaulat din ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo kung saan nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag na P1.20 kada litro sa diesel habang may bawas namang P0.30 sa gasolina ngayong linggo.

Exit mobile version