Tinanggihan ni US President Donald Trump ang alok na kasunduan ng Iran na naglalayong itigil ang labanan at muling buksan ang mahalagang Strait of Hormuz
Sa ilalim ng pitong araw na planong isinulong ng Iran, magkakaroon ng tigil-putukan sa buong Middle East kapalit ng pagpapalalaya sa kanilang frozen assets, pag-aalis ng mga sanksyon sa langis, at pagtatapos ng naval blockade ng Amerika. Sakaling matupad ang mga kundisyong ito, ipinangako ng Iran na muli nilang bubuksan ang Strait of Hormuz—isang kritikal na daanan para sa pandaigdigang supply ng langis—na kasalukuyang sarado dahil sa patuloy na tensyon ng dalawang bansa.
Gayunpaman, pormal na tinanggihan ni Trump ang naturang panukala habang nagpapahiwatig ang kanyang administrasyon ng posibleng pagpapatuloy ng mga pag-atake sa mga pasilidad ng Iran. Nanatili naman ang madiing panindigan ng Iran na hindi sila susuko sa anumang banta o presyon mula sa Estados Unidos.
Panukala ng Iran na Pag-Usapan ang Strait of Hormuz, Tinanggihan ni Trump
