Nilinaw ng Malacañang na sa ngayon ay walang intensyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklarang persona non grata o paalisin sa bansa si Chinese Ambassador Jing Quan. Ayon sa Palasyo, bagamat iginagalang nila ang panawagan ng ilang mambabatas, hindi pabor ang Pangulo sa hakbang na ito laban sa sinumang kinatawan ng ibang bansa upang maiwasan ang masamang epekto sa bansa at sa mga mamamayan.
Gayunpaman, pormal nang ipinatawag ng Department of Foreign Affairs ang naturang ambassador upang ihayag ang mariing pagtutol sa kanyang mga kontrobersyal at umano ay nagbabantang pahayag hinggil sa paggamit ng puwersa. Patuloy namang minamatyagan ng pamahalaan ang mga susunod na hakbang pandiplomasya sa gitna ng tensyon.
Palasyo lininaw na walang balak si PBBM na paalisin ang Chinese ambassador
