Site icon PULSE PH

P491 milyong right-of-way scam: Anim na DPWH exec sinampahan ng kaso ng Ombudsman

Sinampahan ng kasong graft at malversation sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman ang anim na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways Region 12 pati na ang pitong pribadong indibidwal. Kaugnay ito sa umano ay anomalya sa pagbili ng mga lupa para sa right-of-way sa General Santos City na nagkakahalaga ng mahigit P491 milyon. Ayon sa mga imbestigasyon mula sa mga ulat ng National Bureau of Investigation, gumamit ang mga akusado ng mga pinapaniwalaang pekeng dokumento at lumang halaga ng mga ari-arian upang makakuha ng pondo mula sa gobyreon para sa Digos-Makar National Road project. Bukod sa mga kasong kriminal, sinibak na rin sa serbisyo ang isa sa mga sangkot na legal officer habang patuloy ang paggawad ng kaukulang parusa sa mga lumabag sa batas.

Exit mobile version