Sinita ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang management ng nasunog na barkong M/V June Aster, ang Atienza Interisland Ferries Inc., dahil sa marami nitong umano’y paglabag sa pamantayan ng paggawa at kaligtasan sa trabaho. Isinagawa ang pagdinig kasunod ng malagim na insidente noong Setyembre sa Coron, Palawan, kung saan higit 70 pasahero at crew members ang nasawi nang masunog ang nasabing barko.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng DOLE MIMAROPA, umabot sa P665,873.85 ang kabuuang halaga ng mga umano’y paglabag sa pangkalahatang batas sa paggawa, kabilang ang kulang na pasahod, hindi pagbabayad ng overtime pay, holiday pay, night shift differential, at iba pang benepisyo. Bukod dito, nadiskubre rin ang kawalan ng fire prevention at emergency response plan, kawalan ng trained safety officer, at kulang na personal protective equipment. Dahil dito, maaaring magmulta ang kumpanya ng hanggang P10,000 sa bawat insidente kung saan may mangagawang nasaktan.
Operator Ng M/V June Aster, Sinita ng DOLE sa Labor Malpractices
