Site icon PULSE PH

Mundo ni Son Ye-jin Lumawak; Bilang Akatris at sa Pagiging Ina

Ipinahayag ng South Korean superstar na si Son Ye-jin na bagamat hindi nabago ng pagiging ina ang mga tipong papel na gusto niyang gampanan, malaki ang naging epekto nito sa paraan ng kanyang pag-arte. Ayon sa aktres, mas lumawak ang kanyang pananaw sa buhay mula nang isilang ang kanyang panganay na anak noong 2022 kasama ang asawang si Hyun Bin.

Sa kanyang pagbabalik-tambalan sa bagong Netflix series na “The Scandal,” gina gampanan ni Ye-jin ang mas komplikadong papel ni Lady Cho. Bagamat aminado siyang mas nakakapagod ang pag-aalaga ng bata kaysa sa pagtatrabaho sa set, sinabi ng aktres na ang mga karanasan at saya sa kanyang pamilya ay nagbigay sa kanya ng mas malalim na emosyon na magagamit niya sa bawat karakter na kanyang bibigyang-buhay.

Exit mobile version