Nagkusa na mag-isang buwang leave nang walang suweldo ang Metropolitan Manila Development Authority general manager na si Nicolas Torre III kasunod ng usapin sa paggamit ng kanyang sasakyan sa EDSA busway.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, mismong si Torre ang lumapit sa kanya upang ipaalam ang balak nitong pagrere tiro mula sa serbisyo publiko bago nagdesisyong mag-leave muna para magkaroon ng sapat na panahon na mag-isip. Bago ito, inamin ni Torre na sa kanya ang MMDA SUV na nahuling dumaan sa EDSA busway, dahilan upang pinmulta siya ng Land Transportation Office ng 14,000 pesos para sa iba’t ibang paglabag sa trapiko tulad ng ilegal na paggamit ng busway, pagpapalit ng plaka, at hindi awtorisadong paggamit ng blinkers. Ninais din ng MMDA na ipaubaya na lamang sa LTO ang buong imbestigasyon ukol sa insidente.
