Site icon PULSE PH

Militar sa BARMM, naghahanda na sa counter attack ng Dawlah Islamiya at BIFF!

Nakalagay sa mataas na antas ng alerto ang mga tauhan ng militar at kapulisan sa BARMM upang mapigilan ang posibleng ganti ng mga natitirang kasapi ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters matapos ang isang bakbakan sa bayan ng Tugunan na ikinasawi ng pitong armadong myembro. Nagsimula ang sagupaan nang paputukan ng mga wanted na rebelde ang mga awtoridad na patungo sa lugar para magsilbi ng arrest warrant, na nasundan ng matinding palitan ng putok sa tulong ng mga attack helicopter ng Philippine Air Force.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente mula sa banta ng panggugulo at paghihiganti ng mga tumakas na rebelde, mananatili sa lugar ang mga sundalo mula sa 6th Infantry Division at mga pulis mula sa PRO-BAR. Ayon sa mga lokal na opisyal, ang mga natitirang miyembro ng naturang mga grupo ay sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng ilegal na pangingikil sa mga residente at patuloy na pagtanggi sa reconciliation program ng pamahalaan

Exit mobile version