Ibinahagi ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition big winner na si Mika Salamanca ang kanyang mga bagong natutunan pagdating sa pag-ibig at sa kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.
Sa kanyang pagbisita sa podcast ni Dani Barretto na The Bare It All Podcast, inamin ng aktres na mas matured na ang kanyang pananaw ngayon kumpara noong siya ay mas bata pa. Dati ay labis siyang nagbibigay sa relasyon hanggang sa mawalan na ng tinitira para sa sarili. Ngunit sa kanyang paglaki, narerealize niya na ang tunay na pagmamahal sa iba ay dapat nagsisimula sa tamang pagpapahalaga sa sarili upang hindi maubos.
Ang bagong pananaw na ito ang naging daan para magbalik-tanaw si Mika sa kanyang mga nakaraang relasyon na hindi nagtagumpay. Samantala, nananatiling pribado ang aktres sa usapin ng kanyang buhay pag-ibig sa kabila ng mga balitang nauugnay siya sa kapwa housemate at Sparkle artist na si Will Ashley.
