Naging puno ng kulay, aliw, at kasaysayan ang nagdaang 2026 FIFA World Cup na ginanap sa United States, Mexico, at Canada. Bukod sa aksyon sa football, maraming personalidad ang nag-iwan ng malaking marka at nagpanatili sa excitement ng mga tagahanga sa buong mundo.
Nanguna sa mga eksena ang pop superstar na si Shakira sa edad na 49 taong gulang. Bumanat ito ng kanyang natatanging galing sa pagsayaw at pag-awit ng bagong kantang Dai Dai sa closing ceremony. Muli niyang pinatunayan ang kanyang husay na tila hindi tumatanda. Samantala, ang striker ng Norway na si Erling Haaland ay hindi lang nagpakitang-gilas sa pag-iskor ng pitong gol kundi pumatok din sa mga netizens dahil sa kanyang nakakatawang pakikipag-interact sa mga memes at fans. Pinag-usapan din ang English midfielder na si Jude Bellingham na bukod sa magandang laro ay kinagiliwan ng marami dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan.
Hindi rin malilimutan ang Cinderella story ng maliit na bansang Cape Verde. Sa kanilang kauna-unahang World Cup debut, pinahanga nila ang mundo matapos idrow ang mga dating kampeon tulad ng Spain at Uruguay, sa pamumuno ng kanilang goalkeeper na si Vozinha na umani ng sampu-sampung milyong followers sa social media. Sa kabilang banda, naghatid naman ng lungkot ang palaro dahil ito na ang huling World Cup para sa mga alamat ng football tulad nina Lionel Messi, Cristiano Ronaldo, Neymar Jr., at Luka Modric.
