Nalubog sa baha ang maraming bahagi ng Metro Manila matapos magdulot ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan ang habagat. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, umabot sa 201.7 milimetro ang buhos ng ulan sa loob lamang ng limang oras, na naging dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig sa mga pangunahing kalsada at pag-apaw ng mga ilog sa rehiyon.
Dahil sa matinding pagbaha, nagdulot ito ng mabigat na trapiko sa mga pangunahing daanan tulad ng EDSA, Chino Roces Avenue, at Skyway. Kasunod nito, nagpalabas ang Malacañang ng utos para sa alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan, habang suspended naman ang mga klase sa iba’t ibang lungsod sa Kamaynilaan at sa mga kalapit na lalawigan. Nagpadala na rin ng mga rescue at flood control team ang mga lokal na pamahalaan upang tulungan ang mga pamilyang kailangang ilikas.
Metro Manila, binaha sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat
