Site icon PULSE PH

Maine Mendoza, Ipinagtanggol si Arjo Atayde sa Isyu ng Flood Control!

Nanawagan si actress-host Maine Mendoza sa publiko na huwag agad maniwala at magbato ng masasakit na salita laban sa kanyang asawa, si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde, matapos siyang maisama sa sinumpaang salaysay ng Discaya couple kaugnay ng umano’y flood control kickbacks.

Sa isang post sa X (dating Twitter), iginiit ni Maine na walang basehan ang mga akusasyon at hiniling na hintayin muna ang mga lumabas na ebidensya bago maghusga.

“Those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob,” ani Maine.

Dagdag pa niya, ginagawa ni Arjo ang lahat para makapagsilbi nang tapat sa kanyang mga nasasakupan sa Quezon City.

“I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka-unfair,” dagdag niya.

Samantala, mariin ding itinanggi ni Arjo ang akusasyon at sinabing wala siyang tinanggap na benepisyo mula sa mga kontratista.

“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. Hindi totoo ang mga [akusasyon] na ito. I have never used my position for personal gain, and I never will,” pahayag niya.

Naghahanda na raw siya ng legal na hakbang laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

Kaugnay nito, humarap sa Senado ngayong araw sina Sarah at Curlee Discaya at inilabas ang listahan ng mga mambabatas na umano’y sangkot sa kickbacks.

Exit mobile version