Site icon PULSE PH

Laban ni Alex Eala sa Asian Games, mapapanuod nang live sa Cignal TV

Masisilayan na nang live ng mga Pilipino ang paglaban ng tennis star na si Alex Eala sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan. Ito ay matapos maglabas ang Cignal TV ng karagdagang isang milyong piso upang maglagay ng sarili nilang mga camera at kagamitan sa lugar ng kompetisyon.

Nagkaroon ng pangamba ang mga tagahanga nang mabalitang walang ibibigay na live broadcast feed ang host country para sa larong tennis. Dahil sa kawalan ng ilang sikat na manlalaro mula sa Tsina at Hapon, nagdesisyon ang broadcast partner doon na hindi isama sa opisyal na live coverage ang nasabing palaro.

Dahil sa hakbang ng Cignal TV, mapapanood na ang mga laban ni Eala sa ONE Sports, ONE Sports+, at Pilipinas Live. Isinakripisyo ng Pilipinang tennis player ang pagsali sa Beijing WTA 1000 at ang pagkakataong makakuha ng malaking premyo at ranking points upang irepresenta lamang ang bansa.

Si Eala ang itinuturing na pinakamataas ang ranggo sa mga kalahok sa kategoryang pangkababaihan sa palaro. Inaasahang magsisimula ang kaniyang pakikipagtagisan sa Higashiyama Park Tennis Center habang nag-aasam ang Pilipinas na makuha ang kauna-unahang gintong medalya sa tennis mula noong taong 1962.

Exit mobile version