Site icon PULSE PH

Kwento at Adbokasya ng mga Makabagong Lalaki sa Mister World Philippines

Hindi na lang basta pagandahan ng lalaki at patalbugan sa pagrampa ang labanan ngayon. Sa darating na Mister World Philippines 2026, pinatutunayan ng mga kandidato na may mas malalim silang layunin bukod sa pagkakaroon ng guwapong mukha at magandang pangangatawan. Para sa kanila, ang tunay na kahulugan ng makabagong pagkalalaki ay nasusukat sa karakter, pamumuno, at kahandaang tumulong sa lipunan.

Ibinahagi ng limang kandidato na sina Jesus Guinto ng Bulacan, Alexei Cruz ng Manila, Wendell Pamfilo ng Nueva Ecija, Archan Perez ng Batangas, at Christian Manalo ng Pampanga ang kani-kanilang mga kuwento at ipinaglalabang adbokasya. Sa halip na matakot na matawag na pogi lamang, ginagamit nila ang entablado upang maging boses ng inspirasyon. Si Jesus ay nakatuon sa sining ng pagkukuwento para sa kabataan, habang sina Alexei at Wendell naman ay isinusulong ang sports at edukasyon. Si Archan ay may kilusan para sa pagbasa ng mga bata, at si Christian naman ay lumalaban para sa karapatan at suporta sa mga working student.

Exit mobile version