Habang hinahanap siya ng mga awtoridad sa Pilipinas, spotted naman si Kapuso actor Ken Chan na masaya at todo-party sa Thailand!
Sa isang viral (pero agad binurang) TikTok video, makikita si Ken na nag-eenjoy sa Songkran Festival — ang pinaka-wild na water party sa Thailand.
Pero sa likod ng kasiyahan, may bigat na kinakaharap si Ken. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, may kasong Syndicated Estafa laban sa kanya at sa pito pang iba. Sinubukan silang arestuhin noong Nobyembre, pero hindi siya naabutan sa bahay.
Paliwanag ni Atty. Joseph Noel Estrada, ang kaso ay may kinalaman sa isang investment scam na inireklamo at kalauna’y inakyat sa korte.
May pending arrest warrant na si Ken Chan, ayon sa batas, pero tila mas piniling magpalamig muna sa ibang bansa.
