Site icon PULSE PH

Ivana Alawi, Nadawit sa ‘Affidavit Leak’ vs Mayor Albee Benitez!

Pasabog na naman! Trending ang pangalan ni Ivana Alawi matapos kumalat sa social media ang umano’y reklamo laban kay Bacolod Mayor Albee Benitez—at siya raw ang hinihinalang “other woman” sa likod ng kontrobersya.

Ayon sa ulat ng Bandera, naghain umano ng reklamo si Dominique Benitez, misis ni Mayor Albee, sa Makati Regional Trial Court. Ang reklamo: paglabag daw sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act. Base sa affidavit, matinding mental at emotional distress daw ang dinanas ni Dominique dahil sa umano’y pambababae ng asawa.

Matagal na raw may hinala si Dominique pero walang pruweba—hanggang sa matanggap niya ang petisyon ni Albee para sa annulment ng kanilang kasal. Dito raw niya nadiskubre ang rebelasyon: may dalawang anak daw si Albee sa labas, at tila may relasyon umano ito kay Ivana Alawi.

“I felt utterly betrayed,” ani Dominique sa affidavit. Sobrang pagkawasak daw ng loob niya matapos makumpirma ang matagal na niyang hinala.

Pero linaw ni Mayor Albee noong nakaraang taon—walang katotohanan ang chismis. Sa kanyang Facebook post, humingi siya ng paumanhin kay Ivana matapos mag-viral ang mga larawan nila sa Japan. Giit niya, “business trip” lang ‘yon at nagkataong nagkita lang sila ni Ivana.

“Speculations involving Ms. Ivana Alawi are untrue,” pahayag ni Albee.

Exit mobile version