Nagbanta ang Iran sa Estados Unidos ng isang “hindi inaasahang” tugon sakaling maglunsad ito ng panibagong agresibong aksyong militar. Ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng parlyamento ng Iran na si Mohammad Baqer Qalibaf, hindi magpapasindak ang kanilang bansa sa mga banta at panggigipit ng Washington, at handa silang ipagtanggol ang kanilang teritoryo. Dagdag pa niya, hindi na tulad noon ang Iran na madaling padapain dahil mayroon na silang matibay na lakas pandepensa.
Tumitindi ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa kasunod ng mga ulat ng sagupaan at pagpapatalsik ng drone sa rehiyon. Binigyang-diin naman ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na magbabago na ang sistema ng pamamahala at seguridad sa estratehikong Strait of Hormuz dahil sa nagpapatuloy na hidwaan. Iginiit ng Tehran na mas nanaisin nilang ang mga bansa sa rehiyon ang magtulungan para sa seguridad ng daluyan ng langis sa halip na pamunuan ito ng mga makapangyarihang bansa mula sa labas.
