Site icon PULSE PH

Immigration: Dating House Speaker Lord Allan Velasco, nakalabas na ng Bansa

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na kasalukuyang berada o nasa labas ng bansa ang dating House Speaker na si Lord Allan Velasco. Ayon sa ahensya, walang anumang umiiral na Hold Departure Order (HDO) o derogatory record laban sa dating kinatawan ng Marinduque noong siya ay umalis sa bansa noong Agosto 30.

​Ibinahagi rin ng National Bureau of Investigation (NBI) na batay sa mga talaan ng imigrasyon, inaasahan sanang babalik si Velasco noong Setyembre 14 ngunit hindi pa ito nakakauwi hanggang ngayon. Naging mainit ang usapin ukol sa kanyang kinaroroonan matapos lumabas ang mga panibagong paratang ng isang dating pulis ukol sa umano’y pagpapadala ng mga maleta ng pera kay Vice President Sara Duterte at sa pamilya nito sa ilalim ng utos ng dating opisyal.

Exit mobile version