Muling nasentensyahan ang dating Hollywood movie producer na si Harvey Weinstein ng 15 taong pagkabilanggo matapos siyang mapatunayang guilty sa panggagahasa at sexual assault noong 2006 laban sa dating production assistant na si Miriam Haley.
Ang bagong sentensya ay kasunod ng muling paglitis sa kaso sa New York matapos mabaligtad noong 2024 ang pormal niyang 23-year sentence noong 2020. Sa kabila ng mga pahayag ng 74-anyos na si Weinstein na humihingi ng awa dahil sa kanyang matinding kondisyon sa kalusugan, nanindigan ang korte sa pananagutan nito sa batas. Tinawag ng huwes ang dating producer na isang sexual predator na nag-abuso sa kanyang kapangyarihan sa industriya.
Ipinahayag naman ng biktimang si Haley ang kanyang kaluwagan at satisfaction sa naging hatol ng korte. Kasabay nito, pormal ding inihayag ng kampo ni Weinstein na balak nilang i-apela muli ang naturang desisyon.
