Nakuha man ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang matagal na niyang inaasam na giyera laban sa Iran, mukhang hindi ito ang naging paborableng resulta na kaniyang inaasahan para sa seguridad ng Israel.
Matapos ang mahigit anim na buwang palitan ng atake, natagpuan ng Israel ang kanilang sarili sa isang mas alanganing posisyon. Nagsimula ang gulo noong Pebrero 2026 nang samahan ni US President Donald Trump ang puwersa ng Israel para maglunsad ng mga opensiba. Ngunit pagsapit ng Abril, biglang nagbago ang ihip ng hangin nang ipatigil ni Trump ang laban at isulong ang usapang pangkapayapaan bunsod ng umaaray na publiko at sumisirit na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Para sa maraming political analyst at mismong mga mamamayan ng Israel, hindi naging matagumpay ang hakbang na ito ng kanilang gobyerno. Sa isang kamakailang survey, lumabas na 92 porsyento ng mga Israeli ang pakiramdam ay mas nakinabang at nanalo pa ang Iran sa natapos na labanan. Ayon sa mga eksperto, bagamat may mga nawasak na pasilidad ang Iran, nananatiling buhay ang banta nito at mas lalo pang tumapang ang kanilang gobyerno.
