Site icon PULSE PH

Francine Diaz at Seth Fedelin, Magtatambal Ulit sa Isang Vertical Series

Muling magkakasama ang tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin, o mas kilala bilang FranSeth, para sa pinakabagong vertical drama ng iWant na pinamagatang “A Cake To Remember.”

Sa ilalim ng direksyon ni Emerald Silvestre, iikot ang kwento kay Mandy (Francine), isang pastry chef na napilitang tumanggap ng wedding cake order para maisalba ang naghihingalo niyang bakery. Magbabago ang lahat nang matuklasan niyang ang nagpa-order pala ng cake ay ang kanyang dating kasintahan na si Landon (Seth), ang lalaking nag-iwan sa kanya sa altar sa araw ng kanilang kasal.

Ngunit may malaking balakid dahil walang anumang alaala si Landon sa kanilang nakaraan. Bago pala ang dapat na kasal nila noon, naaksidente at na-coma si Landon kaya nawala ang kanyang memorya tungkol kay Mandy. Upang ipaalala ang kanilang pagmamahalan bago pa maikasal si Landon sa ibang babae, gagamitin ni Mandy ang mga recipe at lasa ng mga cake na dati nilang ginagawa at pinagsasaluhan.

Exit mobile version