Site icon PULSE PH

EJ Obiena, Nakuha ang Kanyang Ika-9 na Gintong Medalya sa Berlin

Muling naghari ang Pinoy pole vault champion na si EJ Obiena matapos sungkitin ang kanyang ika-siyam na gintong medalya ngayong taon sa ginanap na ISTAF Berlin sa Germany. Pinangunahan ng 30-anyos na atletang tubong-Tondo ang kompetisyon sa pamamagitan ng paglapag sa taas na 5.82 meters sa Olympiastadion.

Ito na ang ika-apat na pagkakataon na nagwagi si Obiena sa Berlin, kung saan dati na siyang nag-uwi ng kampeonato sa mga indoor at outdoor events doon. Bagama’t hindi niya nalagpasan ang 5.97 meters sa tatlong subok na magpapasok sana sa kaniya sa World Athletics Ultimate Championship sa Hungary, ipinangako ni Obiena na bawi sa kanyang susunod na laban sa Brussels, Belgium bago sumabak sa Asian Games sa Japan. Sa kabila nito, patuloy ang magandang ipinapakita niyang performance bilang paghahanda sa muling pagbawi ng kanyang World No. 2 ranking.

Exit mobile version