Pormal nang umusad sa susunod na yugto ng PBA Governors’ Cup ang Converge FiberXers mataposnilang pabilibin ang mga tagahanga sa isang impresibong panalo laban sa Titan sa Smart Araneta Coliseum. Pinangunahan ng biktoridad na si Juan Gomez de Liaño ang koponan sa pamamagitan ng kanyang makasaysayang triple-double performance na umabot sa 32 puntos, 12 rebounds, at 13 assists.
Malaki rin ang naging ambag ng import na si Cameron Clark na kumana ng 30 puntos upang tuluyang selyuhan ang 152-119 tagumpay. Sa rekord na anim na panalo at apat na talo, nakuha ng FiberXers ang inaasam na silya sa quarterfinals para sa Group A.
