Site icon PULSE PH

China, Muling Binuhay ang Pag-aangkin sa Isla ng Batanes!

Muling pinalutang ng estado ng Tsina ang isang walang batayang pahayag na nagkukuwestiyon sa karapatan at soberanya ng Pilipinas sa lalawigan ng Batanes. Sa pamamagitan ng isang artikulong inilathala sa kanilang state-run media na Global Times, inihayag ng isang Chinese researcher na tila wala umanong legal na batayan ang Maynila sa pamamahala sa naturang mga isla.

Mabilis namang pinalagagan at binatikos ng pamahalaan at ng iba’t ibang sektor sa Pilipinas ang gawa-gawang ulat na ito. Ayon sa National Historical Commission of the Philippines at mga dalubhasa sa kasaysayan, malinaw at hindi na pwedeng pagdebatehan pa na ang Batanes at ang mga mamamayang Ivatan ay bahagi ng Pilipinas, kung saan tuluy-tuloy na pinamamahalaan ng bansa ang lalawigan mula pa noong taong 1783.

Exit mobile version