Ilang araw lamang matapos kumpirmahin ang kanilang ugnayan, inihayag ng aktres na si Bela Padilla na hiwalay na sila ng tech CEO na si Martin Tan.
Sa isang pahayag sa Instagram noong Linggo, sinabi ni Bela na nagdesisyon siyang magpatuloy sila nang hiwalay upang mailigtas ang anumang magandang natitira sa kanilang sarili at sa tingin nila sa isa’t isa. Inilarawan niya ang kanilang relasyon bilang kauna-unahang pagkakataon kung saan talagang naramdaman niyang na-sweep off her feet siya.
Nagsimula ang tsismis tungkol sa dalawa nang makita silang magkasama sa Legazpi Market, dahilan para aminag dating na sila. Ayon kay Bela, bagama’t masaya at tila shy o awkward ang mga nakitang video sa kanila sa pampublikong lugar, dumaan din ang kanilang relasyon sa pinakamasaya at pinakamahirap na mga araw sa nakalipas na ilang buwan.
Idinagdag ng aktres na kung minsan, ang pagmamahal ay nangangahulugan din ng pagpapakawala bago pa mawala ang mga magagandang bagay na nakita nila sa isa’t isa. Pinuri rin niya si Martin bilang isa sa pinakamasaya, pinakamatalino, at pinakakaakit-akit na taong nakilala niya, habang nagpapasalamat sa mga sandaling pinagsamahan nila at sa suporta ng kanilang mga tagahanga.
