Site icon PULSE PH

Barbie Imperial, Rumesbak sa Akusasyong Siya ang ‘Third Party’!

Hindi pinalampas ni Barbie Imperial ang isang netizen na tinawag siyang “third party” sa hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa isang post sa kanyang Instagram, isang user ang nagkomento:

“Anong klase ng babae ka? Hindi ko matanggap. Pinaka-ayoko sa lahat ‘yung third party. Kahit saan mo tingnan, hindi pa annulled ‘yung mag-asawa pero and’yan ka na.”

Agad itong sinagot ni Barbie ng maikli pero matapang: “Anong third party pinagsasabi mo?”

Bagama’t hindi pinangalanan sa komento, matagal nang nali-link si Barbie kay Richard, na kasalukuyang dumadaan sa annulment mula kay Sarah.

Sa isang panayam kay Ogie Diaz, itinanggi ni Richard na si Barbie ang dahilan ng kanyang breakup.

“Gusto ko lang i-clarify na si Barbie, walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah. Hindi siya third party, hindi nag-overlap.”

Hindi naman niya diretsong sinagot kung opisyal na ba silang magkasama ni Barbie.

“Siguro for now, what you see is what you get,” sagot niya.

Exit mobile version