Site icon PULSE PH

Balik-Tambalan! Keanu at Sandra, Magka-Love Team Ulit sa Bagong Pelikula!

Muling magsasama sa pelikula sina Keanu Reeves at Sandra Bullock—this time, sa isang romantic thriller mula sa Amazon MGM Studios.

Matagal-tagal din bago nasundan ang kilig-action nila sa Speed (1994) at The Lake House (2006), pero eto na nga’t may bagong proyekto na uli ang iconic duo. Kasama rin sa team ang Speed producer na si Mark Gordon at screenwriter ng Jackie at The Maze Runner, si Noah Oppenheim.

Wala pang ibinabahaging title o plot, pero ayon sa mga source, “propulsive” daw ang atake ng pelikula—ibig sabihin, asahang mabilis ang tibok ng puso, literal at figuratively!

Si Sandra huling napanood sa The Lost City at Bullet Train noong 2022, habang si Keanu ay busy pa rin bilang John Wick at may voice role din sa Sonic the Hedgehog 3.

Abangan ang pagbabalik ng tambalang matagal nang gustong-gustong makita ulit sa big screen!

Exit mobile version