Handa na ang UP Fighting Maroons na harapin ang panibagong yugto sa UAAP matapos magtapos ang playing years ng tinaguriang Maroon Five na sina Harold Alarcon, Reyland Torres, Gerry Abadiano, Terrence Fortea, at Janjan Felicilda. Sa kabila ng pagkawala ng mga beterano, nananatiling buo ang layunin ng koponan na magtamo ng tagumpay gamit ang kanilang mga bagong manlalaro.
Papasok sa Fighting Maroons ang mga bagong mukha tulad nina Veejay Pre, Rainer Maga, at James Payosing upang makatuwang ang mga natitirang beterano na sina Jacob Bayla, Rey Remogat, at Gani Stevens. Ayon kay Assistant Coach Christian Luanzon, Malaking tulong ang naging overseas training at bonding ng grupo sa ibang bansa para mabuo ang kanilang chemistry bago sumabak sa darating na linggo laban sa UST Growling Tigers.
