Opisyal nang sumali ang Bacoor Strikers sa mabilis na lumalagong larangan ng pickleball sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling koponan na lalaban sa mga kompetisyon. Nagpirmahan na ng kontrata ang mga manlalaro sa isang seremonya sa Revilla Hall sa Bacoor Government Center sa pangunguna ng may-ari ng koponan na si Mayor Strike Revilla, kasama sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola at Councilor Karen Evaristo.
Binubuo ang Team A nina Ricarte Santos, Vince EJ Tugade, Christy Sanosa, at Princess Lorben Marie Catindig, habang ang Team B naman ay kinabibilangan nina Laurenz Quitara, Kent Octavo, Elise Marie Geluz, Leykie Lei Sanosa, at Claro Castillo. Ipinahayag ni Mayor Revilla ang kanyang buong suporta at komitment sa koponan upang magbigay ng pagkakataon sa mga lokal na atletang maipagmalaki ang lungsod ng Bacoor sa larangan ng palakasan.
Bacoor Strikers, pumasok na rin sa maunlad na mundo ng pickleball
