Site icon PULSE PH

Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, babawasan na simula Oktubre dahil sa Super El Niño

Babawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila at sa sektor ng agrikultura simula ngayong darating na Oktubre. Ang pinal na hakbang na ito ay bahagi ng mga maagang paghahanda ng pamahalaan upang matugunan ang banta ng itinuturing na pinakamainit at pinakamatinding Super El Niño na posibleng tumama sa kasaysayan ng bansa.
Dahil sa pagbaba ng alokasyon mula sa Angat Dam, hinimok ng mga ahensya ng gobyerno at mga water concessionaire ang publiko na maging matipid at maingat sa paggamit ng tubig. Binigyang-diin ng NWRB na kailangang badyetin at pangalagaan ang kasalukuyang imbak na tubig habang gumagamit din ng iba pang alternatibong mapagkukunan ng supply upang maiwasan ang malalang krisis bago sumapit ang tagtuyot.

Exit mobile version