Derecho sa quarterfinals ng 20th Asian Games women’s singles tennis tournament ang PH tennis star na si Alex Eala matapos nitong dominahin si Patcharin Cheapchandej ng Thailand sa opensa, 6-1, 6-0.
Sa kabila ng pagkaka-delay ng laro at paglipat nito sa indoor practice court, ipinamalas ng 21-anyos na Pinay netters ang kanyang matinding husay sa loob lamang ng 55 minuto. Bahagya lamang nakakuha ng isang puntos ang kalaban bago tuluyang tinapos ni Eala ang laban sa pamamagitan ng isang ace. Sunod na makakaharap ni Eala sa quarterfinals ang kinatawan ng Chinese Taipei na si Joanna Garland.
