Bago muling sumabak sa tennis court para sa WTA Tour sa China, pinalitan muna ng Filipina tennis star at Asian Games bronze medalist na si Alex Eala ang kanyang tennis racket ng high-fashion outfit sa ginanap na Paris Fashion Week. Umagaw ng pansin ang world No. 18 tennis player sa ginanap na Chanel Spring-Summer show sa capital ng France.
Nakasuot ng eleganteng tweed jacket, itim na damit, washed denim trousers, at Chanel bag, kasama ni Alex ang kanyang inang si Rizza na nakasuot din ng kaparehong Chanel-inspired na pormahan. Sinabi ng tennis star na isang napakasayang karanasan sa kanyang buhay ang makadalo sa naturang fashion event dahil matagal na siyang tagahanga ng sikat na luxury brand.
