Subok agad ang galing ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa kanyang pagbabalik-akasyon matapos maitakda ang kanyang laban laban sa Olympic champion na si Zheng Qinwen ng China sa unang round ng WTA 500 Mubadala DC Open.
Papasok sa bakbakan si Eala mula sa panibagong pwesto bilang World No. 29 matapos ang kanyang kahanga-hangang performance sa Wimbledon. Sa kabilang banda, bagama’t kasalukuyang nasa World No. 123 ang tsinesang si Zheng, dati na itong nakatungtong sa No. 4, may limang WTA titles, at naging finalist sa 2024 Australian Open. Ang sinumang mananalo sa dalawa ay makakalaban ang magwawagi sa pagitan nina Magda Linette ng Poland at Leylah Fernandez ng Canada, habang nakatutok naman si Eala sa singles matapos hindi maglaro sa doubles division ngayong torneo.
